May gusto akong sabihin sa'yo.
Pero pusang walang hiya
Kinuha ang dila sa gitna ng hiya.
Dugo'y nawala sa ilalim ng araw
Tinakasan ang mukhang maputla.
Tanga nga naman
Ano pa bang gusto mo?
Mag jolens, mag jack en poy, maglaro ng piko.?
Mga pakipot mo ang labo.
Kung naging lalaki lang ako
Ako na lang sana ang manunuyo.
Pero walang magagawa
Dikta ng pangangailangan.
Kailangan mong malaman
Na sa puso'y may nilalaman.
Kung 'di mapaparaanan
Iinom na lang ng "in- can".
Bud, Heineken, Coquac, Smirnoff
Kahit ano 'wag lang Kulafu.
Natutunan ko 'yan sa mga baklang Cafgu
Mga naka-fatigue sabay blouse na blue
At pakanta-kanta ng " Without You ".
Gusto mo ba ng pakurap-kurap na mata?
O 'di kaya'y pa-cute na tawa?
Pwede ko rin gawin 'yan
Kung iyong ikakaligaya.
Ngunit, datapwat, subalit
Aanhin ang pang-akit
Kung ika'y walang malasakit.
Ilabas mo na yan.
Kelan pa?
Ilabas mo na yan.
Baka kung saan pa.
Sa akin walang problema
Mahirap na...
Kasi...kasi...basta!
No comments:
Post a Comment