ni Yari
Ano ang meron sa araw na ito?
Bakit halos lahat nagluluto ng biko?
Ang iba naman naghahanda ng ginataan.
Bawal ang kumain ng karne at kung ano pa man.
Ang mga tao nga naman
Sa pananampalataya ay magka-iba man
May magpapako sa krus o sa bundok ay umakyat
Isang panatang tanging sa Diyos ay handog.
Saan man ako bumaling
Katahimikan ang mapapansin,
Biyernes Santo nga kung tawagin
Nagluluksa at iwas sa pagkain.
Kahit walang-wala na...
Talagang ginagawan ng Diyos ng paraan ang lahat.
Maraming salamat at Kayo ay nilikha!!!
Mahal kita Oh Puong Maykapal...
No comments:
Post a Comment