Wednesday, February 16, 2011

ISANG TULA

IKAW NA BA?


ni: Yari



Sino ka ba na laging gumigising sa tulog kong isipan?
Na ginagambala ang puso kong nalulumbay?
Sino ka ba na sumasagi sa aking balintataw?
Ikaw ba'y kayang abutin ng aking pananaw?

Ang aking pusong minsan ng inulila
Ng isang pag- ibig na puno ng ligaya
Ikaw ba ang siyang magdudulot ng saya?
Sana'y ikaw na, ikaw na ba?

Minsan sa aking pagtulog aking napanaginipan
Na ako'y iyong kasama sa iyong pamamasyal
Ang hindi ko mawari ay ang kahulugan
Na anino mo lamang ang aking nasilayan.

Pinilit kong alamin ang anyo mong inaasam
Ngunit bigo akong kita'y mamasdan
Nang ikaw ay magpaalam upang lumisan
Wala akong magawa kundi ang mangulila.

Sa aking paggising lungkot ang kapiling
Pilit na binabalikan ang lumisang panaginip
Puso'y sumisigaw, nagtatanong pilit
Sino ka ba? Ikaw na ba?


My Great Web page




No comments: